Luntian
Ang hirap sa tema ngayong linggong ito ay napakaraming larawan ang pwedeng isali, pero sa lahat nang aking peekchur na may luntiang tema, ito ang aking peborit. Pinili kong ilahok ang litratong ito sapagkat hindi lamang ang mansanas ay masarap kainin, mabuti rin ito sa kalusugan, at higit sa lahat kapakipakinabang.
Ang punong ito ay nasa likurang hardin ng aming bahay, marahil tinanim nang nakaraang may-ari sapagkat hindi ako ang nagtanim nito. Sa aking pananaliksik sa tinternet, nadiskubre ko na ito ay kabilang sa "cox variety". Tuwing summer, marami rami ring bunga ito, kaya hindi na kami bumibili sa tindahan. Mapapansin na hindi pa gaanong hinog ang mansanas na ito, sigurado kung ito'y titikman ay tiyak na mapakla. Kadalasan, mauunahan kami ng ibon, kaya kung tama na ang laki at kung medyo mapula na ang kabuuan, pwede na itong kainin o kaya gawing apple pie, apple crumble (ang aking paborito), o apple cake.
Sana'y nagustuhan niyo ang aking presenteyshen... yun lang.















Recent Comments